Wednesday, December 29, 2021

OFW, Pinagmumur4 Ng Kaniyang Anak Dahil Hindi Lamang Nya Kaagad Napadala Ang Pera Dito


Hindi madali ang trabaho ng isang Overseas Filipino Workers (OFWs). Ang pag-alis sa bansa ay nangangahulugan na sila ay mawawalay sa kanilang pamilya sa matagal na panahon. Gayunpaman, kailangan nilang magtiis at magsakripisyo ng labis mabigyan lamang ng magandang buhay ang pamilya na kanilang iniwan sa bansa.

Ang pagiging OFWs din ay nangangahulugan na hindi nila makikitang lumaki ang kanilang mga anak o hindi hindi mababantayan at magagabayan sa kanilang paglaki dahil sa malayo sila dito at ang kanilang inaalagaan ay ang anak ng kanilang mga amo.

Naging viral sa social media ang mga screenshot ng conversation ng mag-ina na ito kung saan makikita na minur4 ang isang ina ng kaniyang anak dahil lamang sa hindi niya kaagad napadala ang pera dito dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari. 


Ayon sa kaniyang anak, siya ay nasa shop na umano nang mga oras na iyon at nangako na din siya sa may-ari sa nasabing shop na siya ay magbabayad na sa mga ito ngayon.

Gayunpaman, hindi naman kaagad napadala ng ina ang pera sa anak dahil sa mga pangyayari. Paliwanag naman niya sa kaniyang anak na hindi pa siya pinapayagan ng kaniyang amo na makalabas kaya naman hindi pa niya maipadala ang pera at ito ay made-delay lamang ng kaunti.


Ngunit tila hindi pa din maintindihan ng kaniyang anak ang kaniyang kalagayan at nakatanggap pa siya ng mura dito!

Sa nasabing conversation, sinabi ng ina na siya ay naiyak na lamang dahil sa mga salitang binitawan ng kaniyang anak sa kaniy. Sinabi pa niya na labis ang sakripisyo at hirap niya sa pagtatrabaho sa ibang bansa ngunit hindi man lamang siya mabigyan ng respeto ng kaniyang anak at nakatanggap pa siya ng mura dito dahil hindi lamang niya nasunod ang gusto nito.


Samantala, marami naman sa mga netizens ang hindi mapigil na mag4lit a madismaya sa anak dahil sa ginawa nitong pagmumura sa kaniyang ina na siyang nagtatrabaho ng mabuti para lamang magbigyan siya ng magandang kinabukasan.

No comments:

Post a Comment