Monday, December 27, 2021

Kumpirmado Na! Kilalanin Ang First BF Ni Jillian Ward


Isang nakakakilig na video nga ang ibinahagi ng Kapuso teen actress na si Jillian Ward sa kaniyang Instagram Story kung saan kasama nito ang Kapuso teen actor at co-star nito sa "Prima Donnas" na si Will Ashley.

Makikita sa mga video na magkasabay silang mag-TikTok at kitang kita din ang ningning sa kanilang mga mata. Mapapansin din ang kakaibang ngiti at tinginan ng dalawa sa isa't isa.

Sa ngayon ay milyun-milyong views na ang nasabing video ng dalawang Kapuso star.


Ayon sa kanilang fans, halatang halata na umano na may label na ang kanilang relasyon. Madalas din silang makita ng kanilang mga ka-trabaho na tila may sariling mundo sa set ng nasabing palabas.

Samantala, ayon naman sa mga magulang nina Jillian at Will, kung saan daw masaya ang kanilang mga anak ay lagi lamang silang nasa tabi ng mga ito para gabayan at suportahan sila.

Sa panayam naman kina Will at Jillian, hindi naman nila direktang sinagot kung mayroon ng romantic relationship sa pagitan nila. Sinabi lang nila na kung ano ang nakikita ng mga tao sa social media at behind-the-scenes ng 'Prima Donnas" ay iyon daw ang sagot kung may label na ang friendship nila.


Kung totoo man na nasa romantic level na ang kanilang relasyon ay ito ang kauna-unahang pagkakataon na magkakaroon ng boyfriend si Jillian at ganon din si Will.

Si Jillian ay 16-year-old pa lamang habang si Will ay 17-year-old na.

Matatandaan na 5-anyos pa lamang si Jillian nang pasukin nito ang industriya ng showbiz at hanggang ngayon ay patuloy pa din na namamayagpag ang kaniyang career. Marami pa ding mga proyekto at endorsements si Jillian ngayon kaya maituturing na isa siya sa mga pinaka successful teen star ngayon sa Philippine showbiz industry.


Marami din ang humahanga kay Jillian dahil sa kaniyang talento, kagandahang taglay, at mabuting puso.

No comments:

Post a Comment