Thursday, December 30, 2021

Kilalanin Ang Mga Personalidad Na Hindi Pumasa Kay Mommy Divine Para Sa Anak Na Si Sarah Geronimo


Hindi maipagkakaila na isa si Sarah Geronimo sa mga kilala, hinahangaan, at pinakamagandang singer-actress sa Philippine showbiz industry. Sa kaniyang  down to earth personality, good looks, at angking husay sa pagkanta at pag-arte, hindi na nakakapagtaka kung bakit marami ang humahanga sa kaniya.

Kilalanin natin ang mga lalakeng dumaan sa buhay ni Sarah Geronimo bago niya natagpuan si Matteo Guidicelli.

1. Mark Bautista

Ang singer na si Mark Bautista ay isa sa mga unang nakatrabaho ni Sarah sa showbiz. Ito ay umamin noon na nais niyang ligawan si Sarah ngunit kalaunan ay umamin siya na isa siyang bisexual. Ngayon ay isa ng matalik na magkaibigan ang dalawa.

2. John Lloyd Cruz

Unang nagkatrabaho ang matinee idol na si John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo sa isang episode ng MMK noong 2006. Matapos ang dalawang taon, nagkaroon ng proyekto ang dalawa kung saan sila ang naging leading stars. Hindi naman lingid sa kaalaman nating lahat na nagkaroon ng crush ang dalawa sa isa't isa ngunit hindi na nila ito pinalalim pa dahil sa commitments maliban sa pelikula.

3. Rayver Cruz

Bata pa lamang umano ang Kapuso hunk actor na si Rayver Cruz at Sarah noong sila ay naging magkarelasyon. Ngunit hindi nila ito inilabas sa publiko. Hindi din naman nagtagal ang kanilang relasyon dahil sa pag-ayaw ni Mommy Divine Geronimo, ang ina ni Sarah.

4. Gerald Anderson

Naging magkatrabaho sina Gerald Anderson at Sarah sa pelikula na 'Catch Me I'm Falling'. Inamin din noon na nagustuhan niya si Sarah at planong ligawan ngunit katulad ng ibang manliligaw ng aktres, hindi din ito natuloy dahil kay Mommy Divine.

5. Sam Milby

Ang aktor at singer na si Sam Milby ay nakatrabaho si Sarah sa TV show na 'Idol'. Matapos nito, kumalat ang balita ng pagkakaroon ng crush ni Sam kay Sarah ngunit ito ay hindi din lumalim dahil na naman muli kay Mommy Divine.

6. Coco Martin

Nakasama ni Sarah ang aktor na si Coco Martin sa ilang mga proyekto tulad ng 'Idol'. Katulad ng ibang aktor, nagkagusto din daw si Coco kay Sarah matapos ang kanilang mga proyekto pero tulad ng iba, hindi din ito natuloy dahil sa hindi pag-apruba o pagpayag ni Mommy Divine.

7. Matteo Guidicelli

Si Matteo Guidicelli ay ang asawa na ngayon ni Sarah Geronimo. Sa kabila ng mga pagsubok at kontrobersiya na hinarap ng kanilang relasyon, pinatunayan pa din nila kung gaano nila kamahal ang isa't isa.

Kilalang Aktor, Ipinakilala Ang Kaniyang 4-any0s Na Anak Na Babae Sa Unang Pagkakataon


Ipinakilala na ng Kapuso actor na si Kristoffer Martin kamakailan lamang ang kaniyang anak sa kauna-unahang pagkakataon.

Sa isang panayam sa 24 Oras noong Enero 21 lamang, naging emosyonal ang 26-anyos na aktor sa pagbabahagi kung gaano niya kamahal ang kaniyang 4-taong-gulang na anak na babae.

Aniya,

"I have Pre. I love my daughter. I really love my daughter. I miss her every day."

Dagdag pa niya,

"Everytime I call her, 'Daddy misses you every day. Daddy loves you so much."



Ayon sa kaniya, ang ilan umano sa kaniyang malapit na kaibigan sa showbiz ay alam na ang tungkol dito. Ilan sa mga ito ay ginawa pa nga niyang ninong at ninang ng kaniyang anak kasama na si Alden Richards at Bea Binene.

Noong tanungin naman si Kristoffer kung bakit niya ito sa publiko, tugon niya,

"Hindi naman kasi ako malabas ng personal e."



Pinaliwanag din ni Kristoffer ang pagiging pribado niyang tao pagdating sa kaniyang personal na buhay.

At syempre, gusto din niya na ibigay sa kaniyang anak na si Pre ang privacy na nararapat dito. Gayunpaman, inamin niya na matagal na siyang hiwalay sa ina ng kaniyang anak. Ngunit, kahit ganito ang kanilang sitwasyon ay hindi pa din nila nakakalimutan maging isang mabuting magulang para sa kanilang anak na si Pre. Sila ay civil naman sa isa't isa para sa kapakanan na din ng kanilang anak.

Sa ngayon, si Pre ay nasa pangangalaga ng kaniyang ina sa Olongapo kaya naman miss na miss na siya ng aktor. Ito din ang unang pagkakataon na nawalay sa isa't isa ang mag-ama.



Samantala, naging usap usapan naman sa social media ang mga larawan ni Pre dahil talagang napaka gandang bata niya. May ilan pa nga na nagsasabi na maaari itong pumasok sa showbiz industry kapag laki nito at sundan ang yapak ng kaniyang ama.

Xander Ford, Humihingi Ng Tulong At Nagmamakaawa Sa Social Media Dahil Sa Kaniyang Mga Nararanasan Ngayon


Si Marlou Arizala o mas kilala ngayon bilang si Xander Ford ay muli na namang gumawa ng ingay sa social media. Ito ay matapos niyang ibahagi ang kaniyang larawan kung saan makikita na siya ay nakaupo sa isang lamesa. 

Sa caption ng nasabing post, inilahad din ng social media star lahat ng problema na kinakaharap niya ngayon.

Hindi naman lingid sa kaalaman nating lahat ang mga natatanggap na batikos ni Xander mula sa online community dahil sa kaniyang mga maling nagawa noon. Matatandaan na binatik0s umano nito ang aktres na si Kathryn Bernardo.

Sa isang audio na kumalat online, maririnig na tila binabatikos at hinuhusgahan ni Marlou si Kathryn. Ngunit, ito ay mariin naman niyang pinabulaanan noong binigyan siya ng pagkakataon ni DJ Chacha na aminin ito at humingi ng tawad. Ngunit, tinanggi niya ito.



Makalipas ang ilang araw, ang buong video naman ng nasabing clip ay lumabas sa social media kung saan doon na makikita si Marlou na nagsasalita ng mga hindi magandang bagay tungkol kay Kathryn. Mula noon ay nakatanggap na din siya ng batikos sa mga netizens dahil sa kaniyang nagawa at dahil na din sa kaniyang pag-uugali.

Ngunit, kamakailan lamang ay humingi naman ng tulong si Xander sa publiko para sa kaniya at sa kaniyang pamilya. Ayon sa kaniya, nais niyang magkaroon ng personal computer nang sa gayon ay makapag-stream siya online at kumita ng pera.

Sa kaniyang post, inilahad pa ni Xander lahat ng kaniyang problema na pinagdadaanan ngayon. Isa na dito ang isyu niya sa kaniyang dating kasintahan na sinampahan siya ng kaso na s3xu*l abu$3d.

Narito ang buong post ni Xander:

"Sa totoo lang Pinipilit ko kumain sa araw araw kahit puro problema ang iniisip ko dahil isa ako sa libo libong kabataan na maaga nang namulat sa kahirapan dahil ganito naman talaga sa pilipinas e.



Una- dami kung binabayaran na mga utang ng Mama at papa ko

Pangalawa- nagbabayad ako ng Bahay,Tubig,Koryente, at pang araw araw naming gastusin sa bahay

Pangatlo- bayarin sa Pag aaral ng mga kapatid at pamangkin ko

Pang apat- problema sa mga kinakaharap kung Kaso

Panglima - problema

Sa Pag kukunan ng trabaho dahil wala na talaga akong maayos na trabaho. At syempre yung mga taong hinuhusgahan ako dahil sa itsura ko.

Madami akong mga bagay na Hindi ko alam paano ko matatapos at hindi ko alam paano ko uumpisahan

Gusto ko makatulong makaipon kahit konting panahon pa gusto ko matupad mga pangarap ng pamilya ko para sa amin pamilya



Isa nalang ang need ko yung mag karuon ako ng isang bagay na mag Bibigay ng Income para sa amin gusto ko mag Live stream gusto ko talaga mag work na at makaipon pa

Ps. Sobrang hirap na ng buhay namin ngayun sana kunting araw para sa pamilya ko.

Kahit sa konting dasal nalang po at respeto."

Wednesday, December 29, 2021

Mag-ama Kung Saan Nakipaglaro Pa Ang Ama Sa Hukay Na Ginawa Niya Para Sa Kaniyang Anak, Umantig Sa Mga Netizens


Walang sinoman ang makakapantay sa pagmamahal na mayroon ang isang magulang para sa kaniyang anak. Hindi nila iniinda ang hirap at sakripisyo na kanilang ginagawa makita lamang na masaya at mapabuti ang kalagayan ng kanilang mga anak.

At ang makitang nahihirapan ang kanilang mga anak ay isa na siguro sa pinaka mas4kit na mararamdaman ng isang magulang. Mas lalo na kapag nalaman nila na ang kanilang anak ay mayroong s4kit.

Kapag may s4kit ang kanilang anak ay kinakailangan ng gamutan na may kaakibat na gastos na pasan pasan ng ating mga magulang. Gayunpaman, sa kabila nito ay gagawin pa din nila ang lahat makahanap lang ng paraan para sa ikaayos ng kondisyon ng kaniyang anak.


Karamihan sa atin ay naniniwala na sa tuwing mayroong problema na dumarating sa ating buhay ay isa lamang itong pagsubok na dapat nating malampasan.

Ngunit paano kung ang paroblema o sakit na dumating sa iyo ay wala na talagang solusyon? Ano kaya ang magagawa mo dito?


Umantig at dumur0g sa puso ng publiko ang kwento ng isang ama na nakipaglaro pa sa kaniyang anak na may sakit sa hukay na siya mismo ang gumawa para sa kaniyang anak.

Ito ang kwento ng isang ama na hinanda na ang libingan ng kaniyang dalawa at kalahating taon na anak na si Zhang Xin Lei na mayroong malubhang karamdaman sa dug0.

Ang s4kit ni Zhang Xin ay nagmula sa Thalassemia na naging dahilan ng pagiging abn0rmal ng hem0globin sa kaniyang katawan.

Kahit pa man mas4kit para sa kaniyang ama, hinukay pa din nito ang libingan ng kaniyang anak dahil anumang oras ay maaari ng kuhanin sa kanila ng Panginoon ang batan si Zhang Xin.

Kaya naman minabuti niya na maghukay na ng lupa para sa paglilib1ngan ng kaniyang anak.

Sa huling panahon na magkakasama ang mag-ama, nakipaglaro pa ang ama ni Zhang Xin sa kaniya sa hukay na ito mismo ang gumawa. Sila ay nahiga doon habang naglalaro na may kur0t sa puso ng kaniyang ama dahil anumang oras ay maaari ng mawala sa kaniya ang kaniyang anak.

Ang ganitong sitwasyon at pangyayari ay napakas4kit para sa ating mga magulang. Sana ay may milagro at mapabuti ang kalagayan ng batang si Zhang Xin Lei at sana rin ay mayroong mabubuting tao na tumulong sa kanila.

Dahil Sa Madalas Na Pag-inom Ng Kape, Kilalang Aktress Nagkaroon Ng Malubh4ng Karamdaman


Due to frequent coffee drinking, Myrtle Sarrosa recently opened up about her health condition during the May 4 episode of Mars Pa More.

According to the former housemate of Pinoy Big Brother, her health has deteriorated in recent days due to drinking too much coffee and eating meat.

Mrytle revealed that she suffered from chr0nic intestinal d1se4se, due to her bad eating habits. Myrtle’s dise4se is a type of inflammatory bowel dise4se that can cause weakness or cause more sev3re compl1cations.

Some of its symptoms are d1arrhea, rectal bl3eding, abdominal p4in, fat1gue, and weight loss.


According to Myrtle, drinking too much coffee and eating meat was the reason she got s1ck.

She shared,

“Nagkaroon ako ng chr0nic dis3ase sa intestine ko wherein na hirapan na ‘yung body ko mag-digest ng food dahil na rin siguro sa bad eating habits ko before.”

Because of her habit of drinking coffee, it reached the point that it was the first thing she would drink in the morning, which eventually became part of her lifestyle.


Myrtle said,

"Before I would wake up tapos the first thing that I would do is to grab a cup of coffee ‘tapos ‘yun lang ‘yung iinumin ko. So dahil pala do’n, tumataas ‘yung acid sa katawan ko and, aside from that, ang hilig-hilig ko pa before sa karne, na araw-araw lagi akong pork and meat.”

When Myrtle got s1ck from drinking coffee, a few weeks later, she had to undergo lock-in taping of her first series on GMA entitiled "Nagbabagang Luha", the TV adaptation of the ’80s blockbuster movie of the same title.


In preparation for her series and for the sake of her health, Myrtle decided to change her eating habits. She has now avoiding drinking coffee and eating too much meat.

“Ngayon lahat ng kinakain ko na is fruits, vegetables. Nag-cut na rin ako ng meat at pag-inom ng kape.”

Danica Sotto, Nagluluksa Matapos Pumanaw Ang Kaniyang Mahal Sa Buhay


Inihayag ni Danica Sotto-Pingris sa kaniyang Instagram account ang kalungkutan na nadarana sa pagp4naw ng kaniyang Papa Ebie.

Sa kaniyang Instagram post, ibibahagi ni Danica ang mga larawan ng kaniyang Papa Ebie, ang ama ng kaniyang ina na si Dina Bonnevie, na ang tunay na pangalan ay Honesto Bonnevie.

Caption ni Danica sa kaniyang post,

“Rest in paradise Papa Ebie Thank you for being a loving grandpa to us. We will miss you so much. Love you forever Papa Up.”

Sa naunang social media post, sinabi ni Danica na tinawag nila ang kanilang mahal na lolo bilang Papa Ebie dahil hindi nila mabigkas ang Papa Bonnevie noong sila ay bata pa.


Ayon sa kaniya, si Papa Ebie ay kilala din sa tawag ba Atty dahil sa talinong taglay nito.

Nabanggit din ni Danica na madalas silang pumupunta sa Laguna noon para makasama ang mahal nilang lolo na si Papa Ebie at ang swimming aniya ang madalas nilang maging bonding.

Kami ay nakikiramay kay Danica Sotto, Ms. Dina Bonnevie, at sa lahat ng kapamilya at mahal sa buhay ni Mr. Honesto Bonnevie.


Narito naman ang listahan ng nga celebrity na nawalan ng mahal sa buhay ngayong 2021:

Kyline Alcantara

N4m4tay ang maternal grandmother ng Kapuso young star na si Kyline Alcantara noong Abril.

Geneva Cruz

Nawala naman ang ina ng aktres at singer na si Geneva Cruz na a Manilyn Mendoza Cruz dahil sa C0VID-19 ngayong taon.

Jean Garcia

Nam4tay naman ang ina ni Jean Garcia na si Sandra Garcia noong Abril 2 mula sa C0VID-19 at komplikasyon sa s4kit nito sa puso.


Aiki Melendez

Nasaw1 din ang stepfather ni Aiko Melendez na si Dan Castaeda dahil sa C0VID-18.

Manilyn Reynes

Sinabi ng “Pepito Manaloto” star na si Manilytn Reyes na namat4y ang kaniyang ama na si Nelson Reyes noong Pebrero 3.

Tanya Garcia

Namaalan naman ang lola ni Tanya Garcia-Lapid na si Mariwuita “Mama Quing” Rosales noong Mayo.

Joel Cruz

Sinabi ng perfume mogul na si Joel Cruz na namaalan na ang kaniyang 92-anyos na ina na si Milagros Martin Santos-Cruz noong Mayo 23.

Dimples Romana

Kinumpina ng aktres na si Dimples Romana ang pagkawala ng kaniynang lola noong June 6.

OFW, Pinagmumur4 Ng Kaniyang Anak Dahil Hindi Lamang Nya Kaagad Napadala Ang Pera Dito


Hindi madali ang trabaho ng isang Overseas Filipino Workers (OFWs). Ang pag-alis sa bansa ay nangangahulugan na sila ay mawawalay sa kanilang pamilya sa matagal na panahon. Gayunpaman, kailangan nilang magtiis at magsakripisyo ng labis mabigyan lamang ng magandang buhay ang pamilya na kanilang iniwan sa bansa.

Ang pagiging OFWs din ay nangangahulugan na hindi nila makikitang lumaki ang kanilang mga anak o hindi hindi mababantayan at magagabayan sa kanilang paglaki dahil sa malayo sila dito at ang kanilang inaalagaan ay ang anak ng kanilang mga amo.

Naging viral sa social media ang mga screenshot ng conversation ng mag-ina na ito kung saan makikita na minur4 ang isang ina ng kaniyang anak dahil lamang sa hindi niya kaagad napadala ang pera dito dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari. 


Ayon sa kaniyang anak, siya ay nasa shop na umano nang mga oras na iyon at nangako na din siya sa may-ari sa nasabing shop na siya ay magbabayad na sa mga ito ngayon.

Gayunpaman, hindi naman kaagad napadala ng ina ang pera sa anak dahil sa mga pangyayari. Paliwanag naman niya sa kaniyang anak na hindi pa siya pinapayagan ng kaniyang amo na makalabas kaya naman hindi pa niya maipadala ang pera at ito ay made-delay lamang ng kaunti.


Ngunit tila hindi pa din maintindihan ng kaniyang anak ang kaniyang kalagayan at nakatanggap pa siya ng mura dito!

Sa nasabing conversation, sinabi ng ina na siya ay naiyak na lamang dahil sa mga salitang binitawan ng kaniyang anak sa kaniy. Sinabi pa niya na labis ang sakripisyo at hirap niya sa pagtatrabaho sa ibang bansa ngunit hindi man lamang siya mabigyan ng respeto ng kaniyang anak at nakatanggap pa siya ng mura dito dahil hindi lamang niya nasunod ang gusto nito.


Samantala, marami naman sa mga netizens ang hindi mapigil na mag4lit a madismaya sa anak dahil sa ginawa nitong pagmumura sa kaniyang ina na siyang nagtatrabaho ng mabuti para lamang magbigyan siya ng magandang kinabukasan.